Publiko, Pinaalalahanan ng FDA sa mga ibinebentang Bangkok Pills online

Seryoso ang babala ng Food and Drugs Administration (FDA) sa publiko laban sa ibinebentang Bangkok Pills online na binibili at kinukonsumo bilang pampapayat.

Ayon kay FDA Head Kenneth Hartigan-Go nalaman na isang website umano ang nagbebenta ng bangkok pills sa halagang 500 hanggang 2,000-piso.

Kung saan sinasabing mawawalan ng gana, pagpapawisan at ilalabas sa ihi ang mga tabang naiipon sa loob ng katawan ang sinumang iinom nito.

Ayon pa kay Go, ang Bangkok Pills ay may taglay na Ephedrine, Bisacodyl, Furosemide, Phentermine at Fenfluramine  na  mga drug substances na mapanganib sa mga konsumer.

Speak Your Mind

*