Rappelling at Wall climbing, bubuksan din sa Hundred Islands

Pasisinayahan din ang ilang water sports activities sa lungsod ng Alaminos kasabay sa pagbubukas ng kauna-unahang Zipline sa Hundred Islands sa darating na Hunyo a-syete araw ng Sabado.

Ilan sa mga water sports activities na bubuksan ay ang Rappelling at Wall climbing bilang karagdagan sa mga umiiral na waters sports ng Hundred Islands katulad ng Helmet diving, Snorkling, Diving at Kayaking.

Ayon kay Alaminos City Mayor Arthur Celeste, layuning ng City Government na makahikayat pa ng mas maraming turista kahit na magtapos pa ang panahon ng summer.

Samantala, bago ang simpleng programa sa Quezon Island sa Sabado, June 7, 2014, magsasagawa muna ng pagtatanim ang mga kawani mula sa Mayor’s Office ng miracle coconut seedlings.

Speak Your Mind

*