Regulasyon sa pagbabayad ng buwis ng mga doktor, pinigilan ng Korte Suprema

Pansamantalang pinigilan ng Korte Suprema ang regulasyon ng Bureau of  Internal Revenue hinggil sa pagbabayad ng buwis ng mga doktor.

Ito’y matapos na magpalabas ng Temporary Restraining Order ang Korte Suprema laban sa regulasyon ng B-I-R na nag-oobliga sa mga doktor na magsumite ng affidavit taun-taon.

Nakalagay sa affidavit ang rates ng mga doktor, paraan ng paniningil at basehan ng kanilang service fee.

Dapat din nilang irehistro ang Official Appointment Book na naglalaman ng pangalan ng mga kliyente at petsa ng meeting.

Ang kautusan ng SC ay kasunod ng Motion for Intervention na inihain ng Philippine College of Physicians.

Speak Your Mind

*