Relasyon ng pamilya Aquino at pamilya Binay, sinisira ng Pork Barrel Scam

Sinisira lamang ng Pork Barrel Scam ang magandang relasyon sa pagitan ng pamilya Aquino at pamilya Binay!

Ito ang iginiit ni Makati City Mayor Jun-jun Binay matapos ipanawagan ni Caloocan City Representative Edgar Erice ang pagbibitiw ni Vice President Jejomar Binay mula sa gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ang hirit na ito ni Erice ay nag-ugat nang akusahan ni Vice President Binay ang ilang opisyal ng Liberal Party (LP) na nasa likod ng demolition job laban sa kanyang pamilya.

Ayaw namang kumpirmahin ni Presidential Communication Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr. kung nagkaroon nga ng lamat ang relasyon ng dalawang pamilya.

Ayon pa kay Coloma, iginagalang nila ang opinyon ni Erice at wala silang balak na pagsabihan ang kongresista sa tumigil  sa pambabatikos kay binay.

Speak Your Mind

*