Rice Farmer sa Pangasinan, tumanggap ng Subsidized Farm Input

Daan-daang mga Rice Farmer sa ika-anim na distrito ng Pangasinan ang nabigyan ng Subsidized Farm Input ng Provincial Agriculture Office ng lalawigan.

Nakapaloob sa Subsidized Farm Input na tinanggap ng mga magsasaka ang isang sako ng certified seed, dalawang sakong Uria, dalawang sako ng Triple-14, at samping sako ng Organic Fertilizer na nagkakahalaga ng walong libo anin naputwalong piso (P8,068).

Sinabi naman ng Provincial Agriculture Office na tamang-tamang para sa isang ektaryang palayan na maaring tamnan mula buwan ng hunyo hanggang oktubre ngayong taon.

Maaari naman umanong bayaran ng mga magsasaka ang nasabing Subsidized Farm Input sa loob ng limang buwan na may 1.5 percent lamang o P302 kada buwan.

Hinikayat naman ni Governor Amado T. Espino Jr., na patuloy na magsipag sa pagtatanim ang mga magsasaka ng palay upang mas maraming anihan sa mga susunod na panahon.

Speak Your Mind

*