Richie Garcia, umaasa nalang sa kakayahan ng mga Pinoy Athletes sa Asian Games

Wala pang inihayag na prediksyon ang Philippine Sports Commission (PSC) para sa magiging kampanya ng delegasyon sa 17th Asian Games sa Incheon, South Korea.

Umaasa na lamang si PSC Chairman Richie Garcia na gagawin ng mga National Athletes ang kanilang makakaya para makapag-uwi ng medalya mula sa Incheon ASIAD.

Nakatakda ang nasabing Quadrennial event sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4 kung saan sasabak ang mga atleta sa 25 sa kabuuang 36 sports events na nakalatag, kung saan may kabuuang 439 gold medals ang nakalatag para sa Incheon ASIAD.

Nakatakdang isumite ngayong araw ni Garcia sa Organizing Committee sa Incheon ang entries by names and number para hindi mahuli sa deadline sa Agosto 15.

Speak Your Mind

*