Russian official, nahatulang mabilanggo dahil sa pagnanakaw ng isang Antique na Bibliya

Nahatulan ng pagkabilanggo ang isang Koronel sa Russia Security Service at dalawang kasama nito matapos na mapatunayang ninakaw ang isang ‘Antique’ Bible sa Moscow University.

Nabatid na tinangka pang ibenta ni Col. Sergei Vedishchev ang ‘Antique’ Bible na ginawa noong 15th Century ni German Printer Johannes Gutenberg sa halagang $1.15 milyon (683,560 pounds).

Ayon kay Irina Zhirnova, spokeswoman ng Korte, tatlong taon at anim na buwan pagkabilanggo ang hatol kay Vedishchev pero ang dalawa pang FSB officers ay tumanggap ng mas mababang sentensya dahil tumulong lamang ang mga ito na maghanap ng buyer para sa two-volumes bible.

Nalaman na ang kanyang dalawang kasabwat ang siyang nag-asikaso sa pagbebenta ng two-volumes sa isang kolektor sa halagang $1.15 milyon pero bago naibenta ay naaresto sila sa isang restaurant malapit sa Moscow.

Speak Your Mind

*