Sampung libong puno ng niyog, target itanim ng City Government ng Dagupan

Aabot sa dalawang libong puno ng niyog ang target na maitanim ng City Government ng Dagupan sa Brgy. Pugaro, isang island barangay ng lungsod.

Layunin umano nitong makatulong laban sa banta ng climate change tulad ng banta ng storm surge, at makamit din ng proyekto ang food security.

Sinabi ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez, na katulong ng City Government sa naturang proyekto ang Department of Environment and Natural Resources o DENR at Philippine Coconut Authority.

Ani Fernandez, mula sa dalawang libo, nais niyang maabot ang sampung libong puno ng niyog na maitanim sa mga barangay ng lungsod partikular na sa mga island brgy. at mga lugar na malapit sa dagat.

Iginiit namam ng alkalde na dapat manguna sa pagtatanim ang mga residente ng barangay upang magkaroon sila ng sense of responsibility lalo’t sila ang makikinabang sa proyekto.

Speak Your Mind

*