San Fernando La Union, tutok sa pangangasiwa ng marine protected areas!

Mas mapapangalagaan na ngayon ang coastal areas sa lalawigan ng La Union.

Ito ay matapos na mabuo ang isang multi-sectoral partnership sa pagitan ng lokal na pamahalaan, Institute of Social Order at Chevron Philippines.

Nakapaloob sa kasunduan ang paglulunsad ng isang 173-hectare marine protected area sa Poro Point sa bayan ng San Fernando La Union!

Ayon sa lokal na pamahalaan, malaki ang maitutulong nito sa mga komunidad na nakatira malapit sa baybayin na walang sapat na kaalaman kung paanong pangalagaan ang ating yamang-dagat.

Napag-alamang pinangungunahan ng lokal na pamahalaan ng San Fernando ang pangangalaga sa mga marine protected area sa ilang coastal areas tulad ng mga Barangay Lingsat at Canaoay.

Speak Your Mind

*