Sapilitang pagsasailalim sa HIV-AIDS test sa mga bading, tinutulan

Mariing tinutulan sa Kamara ang sapilitang pagsasailalim sa HIV-AIDS test sa mga Bakla o Bading.

Sinabi ni Quezon City Rep. Winston Castelo, malinaw na paglabag sa karapatan ng mga bakla kung itutuloy ng Department of Health (DOH) ang nasabing plano kaya agad niya itong kukuwestiyunin sa Kamara.

Sa kasalukuyang batas ay pinapayagan ang boluntaryo at confidential na HIV testing ng isang tao na sumailalim sa nasabing pagsusuri kaya ang anumang iba rito ay maaaring kuwestyunin ang legalidad nito.

Ang reaksyon ni Castelo ay bunsod sa plano ng doh na compulsory HIV testing upang mapababa ang bilang ng mga nahahawa ng nasabing sakit na karamihan umano ay mga lalaki na nakikipagtalik sa kapwa lalaki.

Speak Your Mind

*