Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, tahimik parin sa kanilang relasyon

Hanggang ngayon ay ayaw pa ring umamin nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ito’y kahit na super duper obvious na sa lahat kabilang na ang mga kumakalat nilang photos together ay makapagpapatunay na ‘sila na talaga’.

Pero lately, mukhang nag-iba na ang ihip ng hangin, mukha ngang unti-unti nang inaamin ni Sarah ang relationship nila ni Matteo.

Say kasi ng singer-actress, very happy siya sa kung anumang meron sa kanila ni Matteo ngayon.

Si Matteo naman, hindi rin maitago ang sobrang pasasalamat kay Sarah at sa parents nito dahil pinapayagan aniya siyang i-date ang kanilang anak.

Speak Your Mind

*