Sen. Santiago, bumitiw na bilang hukom sa ICC

Nagbitiw na si Senador Miriam Defensor Santiago bilang hukom sa International Criminal Court.

Isinumite ni Santiago ang kanyang resignation letter kay ICC President Sang-Hyun Song dahil sa sakit niyang Chronic Fatigue Syndrome.

Ang Chronic Fatigue Syndrome ay kondisyon ng paninigas ng katawan ng isang tao dahil sa sobrang pagod.

Ayon sa Senador, kinakailangan niya ring tutukan ang kanyang kalusugan, lalo na at marami pa siyang aatupaging isyu sa bansa.

Matatandaang nahalal na Judge ng ICC si Santiago noong Disyembre 2011 bagaman at hindi pa nito nagagampanan ang kanyang tungkulin bilang hukom.

Speak Your Mind

*