Senado iibestigahan ang mataas na presyo ng bawang, sibuyas, bigas at iba pang bilihin

Nakatakdang imbestigahan ng Senado ang mataas na presyo ng Sibuyas, Bawang, Bigas at iba pang bilihin.

Nais alamin ni Senador Cynthia Villar, pinuno ng Senate Committee on Agriculture and Food kung may manipulasyon ang mga negosyante sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ipinagtataka rin ng Senadora ang patuloy na importasyon ng Agricultural Products gayung may sapat na suplay ang Bansa.

Labis na ikinababahala ng mambabatas na maapektuhan ang kita ng mga lokal na magsasaka.

Speak Your Mind

*