Senador Jinggoy Estrada, humihirit ng House Arrest sakaling ipaaresto siya ng Sandiganbayan.

Kung si Senador Jinggoy Estrada lamang ang masusunod, mas gugustuhin niyang sumailalim sa House Arrest kaysa ilagay siya sa loob ng kulungan.

Ginawa ni Estrada ang pahayag sa gitna ng nakatakdang pag-aresto sa kaniya kaugnay ng kinakaharap na kasong Plunder at Graft sa Sandiganbayan.

Pero aminado si Estrada na imposible ang nais niyang mangyari lalo pa’t ipinakita na sa media ang posibleng pagkulungan sa kanila sa Camp Crame.

Gayunman, isinantabi ni Estrada ang posibilidad na humiling siyang isailalim sa Hospital Arrest tulad noong una siyang maharap sa kasong plunder.

Nilinaw rin ni Estrada na hindi niya iniiwan ang kaniyang trabaho sa Senado at hindi rin siya naka-leave bagama’t mistulang nagpaalam na siya sa kanyang huling talumpati.

Speak Your Mind

*