Senador Jinggoy Estrada nag bonding ng kanyang pamilya sa huling pagkakataon

Dinala ni Senador Jinggoy Estrada sa isang hotel ang kanyang buong pamilya.

Ito ay para magkaroon ng bonding sa huling weekend bago pa man siya ipaaresto ng Sandiganbayan dahil sa kinakaharap na kasong Plunder at Graft.

Sinabi pa ni Estrada na agad siyang didiretso sa Kampo Krame sa Quezon City para sumuko kapag may inisyu nang Warrant of Arrest ang Sandiganbayan laban sa kaniya.

Idinagdag pa ni Estrada na tatlong grupo ng mga Abogado ang kanyang magiging Defense Panel na pangungunahan ni Atty. Jose Flaminiano.

Sa kabila ng kinasasangkutang Pork Barrel Scam, tuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ni Estrada kay Vice President Jejomar Binay para maging runningmate nito sa 2016 Presidential Elections.

Speak Your Mind

*