Senador Ramon Revilla Jr., nakapag-impake na rin bilang paghahanda sa pag-aresto sa kanya

Nakapag-empake na rin si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. bilang paghahanda sa nakaambang pag-aresto sa kaniya.

Kasabay nito, sinabi ni Revilla na wala siyang balak lumabas ng bansa dahil inaabangan niya ang Arrest Warrant na ipalalabas ng Sandigan Bayan.

Nabatid na nai-raffle na ang Kasong Plunder na isinampa laban kay Revilla at sa mga kasamahang sina Senador Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada.

Sinabi ni Revilla na mabuti na rin at nai-raffle ang kaso para mapadali na ang paglilitis at matatapos na ang Trial by Publicity laban sa Kanila.

Sa kabila nito, sinabi ni Revilla na nalulungkot siya dahil makukulong siya sa sandaling maisilbi na ang warrant of arrest laban sa kaniya.

Speak Your Mind

*