Senador Revilla, hindi nagustuhan ang inirasyong pagkain-mainit na selda at naglipanang ipis at daga, inireklamo

Ginagawan na ng paraan ng Phil. National Police ang reklamo ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Hinggil sa naglipanang ipis at daga sa kaniyang kulungan.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police Spokesman Chief Supt. Reuben Sindac kasabay ng paghingi ng dispensa sa Senador.

Ipinaliwanag ni Sindac na may kalumaan na ang pasilidad at may isinasagawang konstruksiyon sa lugar at naghuhukay kaya nabulabog ang mga daga sa kanilang lungga.

Kinumpirma rin ni Sindac ang paghingi ni Revilla ng air cooler dahil sa mainit sa loob ng selda, subalit kailangan pa rin aniya ng pahintulot ng korte.

Napagbigyan naman aniya ang request ng Senador ng isa pang electric fan dahil sa sobrang init.

Speak Your Mind

*