Serye ng pag-atake sa kanilang mga elepante sa Congo, ikinabahala na

Nagimbal ang pinaka-matandang National Park ng Democratic Republic of Congo sa serye ng pag-atake sa kanilang mga elepante.

Kinumpirma ng Direktor ng Garamba National Park ang walang-awang pagpaslang ng mga Illegal Poacher sa may 68 mga elepante sa loob lamang ng dalawang buwan.

Napag-alaman na noong nakaraang taon ay pumalo sa 20,000 mga elepante ang pinaslang ng mga rebeldeng sundalo ng congo!

Ayon sa mga conservationists, masyadong mataas ang demand sa ‘Ivory Tusks’ sa asya na pinangangambahang maging mitsa sa pagkaubos ng mga elepante sa kontinente.

Speak Your Mind

*