Singkwenta sentimos na dagdag sa pasahe, sapat na – LTFRB

Sapat na ang singkwenta sentimos na dagdag sa pasahe!

Ito ang iginiit ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Executive Director Roberto Cabrera III.

Ani Cabrera, kinuha nila ang opinyon ng commuters at ng mga drivers hinggil sa singkwenta sentimos na fare hike bago pa man nila inaprubahan ang umento sa pasahe.

Matatandaan na kinalampag ng Grupong Piston ang LTFRB dahil sa anila’y kakarampot na dagdag-pasahe!

Ipinaliwanag ni Cabrera na masusi nila itong pinag-aralan kasama ang National Economicand Development Authorityat Department of Energy.

Samantala, ipatutupad na sa darating na Hunyo katorse ang singkwenta sentimos na dagdag sa pasahe.

Speak Your Mind

*