Siyam na evacuation center, inihahanda na sa bayan ng Bayambang

Inihahanda na ng pamahalaang lokal ng bayan ng Bayambang, Pangasinan ang siyam na evacuation center na maaring magamit ng mga residente sa panahon ng kalamidad.

Kabilang sa inihahandang evacuation center ay makikita sa Brgy. Pantal, Manambong Sur, Manambong Parte, Batangcawa at ang Bayambang National High School, Pangasinan State University at Bayambang Central School.

Bukod dito, sinabi ni Mayor Ricardo Camacho, na nakahanda na pondong magagamit sa hindi inaasahang pagtama ng kalamidad tulad ng pambili ng iba pang kagamitan sa rescue operation gaya ng rubber boat na makikita sa pinagandang tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council o MDRRMC.

Nabatid na baha ang kalimitang problema ng bayan ng Bayambang dahil dalawampung barangay malapit sa agno river ang kabilang sa kanilang flood prone area. (Lryna Hernandez)

Speak Your Mind

*