SP Pangasinan, nagpila ng isang resolusyon na pro-protekta sa mga punong kahoy

Pitong daan at pitumpung punongkahoy na ang hindi pa naputol at kasali sa mahigit dalawang libong puno na puputulin ng Department of Public Works and Highway (DPWH) ang mapro-protektahan na.

Ito’y matapos maipila ni Sangguniang Panlalawigan Member Generoso Tulagan, ang isang resolusyon na pro-protekta sa punong kahoy na masasagasaan ng road widening project sa kahabaan ng Manila North Road (MNR) mula sa bayan ng Rosales hanggang sa bayan ng Sison Pangasinan.

Ang pagpuputol ng punongkahoy sa Manila North Road ay nakapaloob sa tree-cutting permit na inisyu ng Department of Environment ang Natural Resources (DENR) ngunit ito ay nagpaso na sa noong buwan ng Pebrero at mahigit pitong daan ang hindi pa napuputol.

Matatandaan na ang malawakang pagpuputol ng kahoy ay tinuligsa ng ilang Environmentalist Groups ng Pangasinan ngunit suportado naman ito ni BM Alfonso Bince Jr., na magpasa ng ordinansa para pagbawalan ang pagpuputol ng kahoy sa Pangasinan.

Speak Your Mind

*