Special Invetigation Task Group Balolong, double time na sa pagtugis sa mga suspek

Double time ang Special Invetigation Task Group Balolong, ng Pangasinan Police Office sa pagtugis at pagkalap ng impormasyon upang matuntun ang mga iba pang salarin sa pagpaslang kay Mayor Ernesto Balolong Jr, ng bayan Urbiztondo Pangasinan.

Ito ayon kay OIC Provincial Director Sterling Reymund Blanco, sa isang press conference kahapon.

Ayon kay Blanco, nakipag-ugnayan na ang PNP sa may ari ng gateaway vehicle na si Donny Ravago ng Block 10 Lot 6 Fortelo Homes Camella, Brgy San Vicente, Sto. Tomas, batangas.

Ito ay upang makakuha ang PNP ng impormasyon kung sino ang mga humiram ng nagamit na gateaway vehilce na may conduction sticker na YB 660 mula sa kanyang rent-a-car sa Pasig City.

Speak Your Mind

*