SRMPC at PAG-ASA, pinaghahandaan na ang papalapit na tag-ulan

Mahigpit na pinaghahandaan na ng pamunuan ng San Roque Multi-Purpose Power Corporation o SRMPC at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAG-ASA ang papalapit na tag-ulan ngayong buwan ng Hunyo hanggang buwan ng Oktubre.

Ito ang naging laman ng isinagawang Information and Education Campaign (IEC) for Flood Forecasting System na ginanap sa bayan ng San Manuel, Pangasinan na dinaluhan ng mahigit animnapung partisipante mula sa ibat-ibang lokal na pamahalaan.

Layunin ng nasabing kampanya na mapalakas ang Local Forecasting Warning System sa mga lokal na pamahalaan hanggang sa community level para ma-mitigate ang epekto ng pagbaha sa kani-kanilang mga lugar.

Nabatid na ang lalawigan ng Pangasinan ay ikinukonsiderang isa sa flood-prone areas sa Rehiyong Uno kung saan nakaranas ng matinding pagbaha sa mga nakalipas na panahon dala ng mga pagbagyo.

Speak Your Mind

*