Stress Management Seminar, isinagawa ng DAR Region 1 sa Pangasinan

Naging matagumpay ang isinagawang Stress Management Seminar na pinangunahan ng Department of Agrarian reform (DA) Region 1 at Cordillera Region, na ginanap sa Capitol Resort Hotel sa Bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Ito ay nilahukan ng mga DAR Provincial Adjudicators ng dalawang Rehiyon, kasama na ang mga Sheriffs at iba pang personnel ng DAR, kung saan nagsilbing Resource Speakers sina DAR Assistant Secretary Jim Coleto at Regional DAR Adjudicator Marivic Casabar.

Sa ginawang Courtesy Call ng grupo kay Gov. Amado Espino Jr., ibinahagi ng Gobernador ang katagumpayan ng Probinsya sa mga programa at proyekto nito at hinimok ang lahat ng mga participants na kayang-kaya umanong gawin ng kahit sinuman ang mga hakbang na makapagpapaunlad sa Komunidad.

Iginiit pa ng Gobernador ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagkakaunawaan ng mga namumuno, at mahalaga rin umano ang Political Will para maipatupad ang mga napag-usapang programa para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Speak Your Mind

*