Sundalong pinalaya ng Taliban, posibleng makakasuhan

Posibleng makasuhan ang pinalayang sundalo na si Sgt. Bowe Bergdahl, sakaling mapatunayan na inabandona niya ang kanyang poste bago pa siya dukutin ng grupong Taliban!

Ito ang sinabi ni U-S Military Chief Gen. Martin Dempsey matapos na pumutok ang balita na kusang nilisan ni Bergdahl ang kanyang poste sa Afghanistan!

Ani Dempsey, maaaring maparusahan ang kalalaya lang na si Bergdahl sakali’t mapatunayan siyang guilty!

Nauna nang ipinagtanggol ni U-S President Barack Obama, ang desisyong i-swap ang limang senior taliban leaders kapalit ni Bergdahl na limang taon na ring bihag ng teroristang grupo ng Taliban.

Ani Obama, hindi ugali ng Amerika na talikuran at basta na lamang iwan ang mga sundalo nito lalo’t yung mga bihag ng rebeldeng grupo.

Speak Your Mind

*