Suspension ng permit to carry firearms outside residence, ini-apela sa mga gun owner ng Pangasinan

Umapela ngayon ang Provincial Police Office o PPO sa lahat ng mga gun owner ng Pangasinan na sundin ang ipinapatupad ngayong Suspension ng Permit to Carry Firearms Outside Residence sa lalawigan.

Ito’y kaugnay sa direktiba ng Philippine National Police Office dahil sa sunod-sunod na pagpatay sa Pangasinan kabilang na dito ang pagpaslang kay Urbiztondo Mayor Enesto Balolong.

Ayon kay PPO-Public Information Officer P/Supt. Ryan Manongdo, mananatili ang suspensyon hanggang tuluyang matiyak ng Chief PNP ang kasiguruhan ng peace and order sa lalawigan.

Aminado naman si Manongdo na malaking hamon sa kanilang hanay na pag-ibayuhin ang siguridad at maiparamdam sa publiko ang kanilang police presence.

Samantala, exempted naman sa ipinapatupad na suspensyon ang lahat ng mga nasa law emforcement agency kabilang na ang mga PNP, NBI Personel Atbp.

Speak Your Mind

*