Taumbayan, pinagtitiis muna sa mataas na presyo ng bigas, Bawang at Luya

Umapela ang MalacaƱang sa taumbayan na magtiis-tiis muna sa mataas na presyo ng bigas, Bawang at Luya.

Ito ayon kay Presidential Communications Sec. Herminio Coloma Jr. ay sa dahilang wala silang magagawa para kontrolin ang presyo ng mga ito.

Iginiit ni Coloma na ang presyuhan sa bigas, bawang at luya ay idinidikta ng market forces.

Sinabi pa ni coloma na ang tumataas na halaga ng luya at bawang ay maaaring resulta ng law of supply and demand o kulang ang mga produkto sa pangangailan ng mamamayan.

Wala namang binanggit si Coloma kung ano ang ipatutupad na hakbang ng pamahalaan para malutas ang mataas na presyo ng bigas, bawang at luya.

Speak Your Mind

*