Tiwala ni Pnoy kay TESDA Sec. Villanueva, nananatili umano

Dumistansiya ang Malacanang sa naging pahayag ni Technical Education Skills and Development Authority Director General Joel Villanueva na handa itong magbitiw sa pwesto kapag nalamatan na ang kumpiyansa sa kaniya ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr., nananatli ang tiwala at kumpiyansa ng Pangulong Aquino kay Villanueva sa kabila ng kinasasangkutan nitong anomalya.

Maliban kay Villanueva ay sabit din sa isyu ng pork barrel ang ilan pang miyembro ng kanyang gabinete na sina Interior Secretary Mar Roxas, budget secretary florencio abad, agriculture secretary proceso alcala at transportation secretary Joseph Emilio Abaya sa usapin ng PDAF Scam.

Speak Your Mind

*