Total Deployment Ban sa Iraq, ipatutupad na ̶ gastusin ng mga uuwing Pinoy, sasagutin ng Pamahalaan

Sa gitna ng kaguluhan sa Iraq ay magpapatupad ang Pamahalaan ng Total Deployment Ban para sa mga Manggagawang Pinoy.

Sinabi ni Foreign Affairs Spokesperson Charles Jose na maging ang mga Overseas Filipino Worker na babalik pa lang sa Iraq ay hindi rin muna papayagang makabalik doon.

Una nang itinaas ng Department of Foreign Affairs sa Level Three ang Crisis Alert sa Iraq na nangangahulugan ng Voluntary Repatriation sa mga pinoy.

Sa ilalim ng alert level three, sasagutin ng Gobyerno ang gastos sa pag-uwi ng mga Pinoy mula sa Iraq.

Nagpapatuloy ang kaguluhan sa Iraq matapos kubkubin ng mga militanteng grupo ang ilang Bayan sa nasabing Bansa.

Speak Your Mind

*