Tourist arrival sa Alaminos City, inaasahang do-doble

Inaasahan ng City Tourism Office ng Alaminos, Pangasinan na mas magpapataas ng turismo sa syudad ang mga bagong pasilidad sa Hundred Islands.

Una rito, pormal ng binuksan nitong sabado ang kauna-unahang zipline na may habang 180 meters mula sa beachfront ng Quezon Island at Pavillon Island at ang rappelling at wall climbing.

Ayon kay Tourism Officer Solomon Sablang, kung noong nakaraang taon ay nakapagtala ang lungsod ng 60 porsyentong tourist arrival, ngayong taon inaasahan nilang dodoble pa ito o lalampas pa sa 100 porsyentong pagdagsa ng mga turista.

Patunay umano rito na buwan palang ng Mayo ngayong taon ay nalampasan na nila ang total tourist arrival na naitala noong nakaraang taon.

Speak Your Mind

*