Trabaho ang mga kabataan, sagot sa unemployment rate sa bansa

Bababa ang unemployment rate sa bansa kung magkaroon ng trabaho ang mga kabataan.

Ito’y matapos ilabas ng Labor Force Survey ng Philippine Statistical Authority ang mataas na bilang ng Youth Unemployment sa bansa.

Batay sa survey ng PSA, mahigit sa isang milyong kabataang Pilipino sa bansa na may edad labingwalo hanggang dalampu’t apat na taong gulang ang walang trabaho.

Ayon kay Department of Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz, malaking porsyento ng jobless sector ng bansa ang bilang ng mga kabataang walang trabaho.

Dagdag pa ni Baldoz, oras  na maresolba ang suliranin ng kawalan ng trabaho sa mga kabataan ay tiyak na kalahati agad sa kabuuang bilang ng mga walang trabaho ang matatapyas.

Speak Your Mind

*