Trapiko sa Urdaneta, apektado ng road widening project

Sinisikap ng Public Order and Safety Office o POSO Urdaneta na mapanatili ang maayos na trapiko sa lungsod kahit na apektado sila ng nagpapatuloy na road widening project.

Una rito, ramdam na ramdam ang masikip at mabagal na daloy ng trapiko sa lungsod lalo na sa harapan ng Urdaneta 1 Central School at Urdaneta National High School dahil dito dagsa ang mga estudyante at mga tricycle.

Ngunit ayon kay POSO Chief Engr. Jhonny Sumait, sapat ang POSO Personnel na itinalaga sa lugar para siyang magmamanman sa daloy ng trapiko lalo sa oras ng uwian ng mga estudyante.

Batid umano ni Sumait na hindi maaring ilipat ang daanan ng mga estudyante dahil maliit ang mga kalsada sa lungsod at baka lalo na silang magkaproblema sa trapiko.

Speak Your Mind

*