Tree Planting Activity, isasagawa sa bayan ng Bani sa Arbor Day

Pinaghahandaan na ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Bani, Pangasinan ang nalalapit na selebrasyon ng Arbor Day ngayong darating na Hunyo a-dese syete (17) ngayong taon.

Ayon kay Senior Administrative Assistant III Tamerlane Emanuel Olores, ang reforestation malapit sa dam ang napiling pagtaniman ng mahigit sa dalawang libong seedling ng ilang-ilang, banaba, at mahogany.

Sinabi naman ni Olores na makikiisa sa nasabing tree planting ang lahat ng LGU’s ng Bani, PNP, BFP, at lahat ng mga barangay officials para sa ikatatagumpay ng programa.

Layunin umano ng lokal na pamahaaan ng Bani na mapreserba ang lugar malapit sa kanilang dam na pinagkukunan ng kanilang tubig, at maging isa itong diversity at eco-park ng bayan.

Speak Your Mind

*