Tricycle color coding at anti-colorum ordinance, ipinasa sa Calasiao

Malapit ng maibsan at masulosyunan ang problema ng trapiko sa bayan ng Calasiao, Pangasinan matapos maipasa ang Ordinance Number 14-2011 na nakapaloob ang pagtatatupad ng Tricycle Color Coding at Anti Colorum Ordinance.

Sinabi ni Calasiao Mayor Mark Roy Macanlalay na sa darating na mga araw ay maglalabas na sila ng pormal notice sa lahat ng mga tricycle driver at operator para sa tamang kulay ng kanilang sasakayan.

Ani, Macanlalay isang buwan naman ang ibibigay nilang palugit sa mga tricycle driver at operator para kumpletuhin ang kanilang mga papeles upang hindi sila mapabilang colorum at walang prangkisa.

Babala naman ni Mayor Macanlalay na sakaling maipatupad na ang nasabing ordinansa, mahaharap sa multang isang libong piso at pagkakulong ng may isang buwan ang mahuhuling lumabag sa nasabing batas.

Speak Your Mind

*