Umanoy na food poisoning dahil sa pagkain ng salted egg, suspected cases pa

Maituturing pa lang umanong suspected cases ng food poisoning ang sinapit ng aabot sa tatlumpot walong katao (38) sa Eastern Pangasinan na sinabaing nakakain ng itlog na maalat o salted egg.

Ito ang binigyang linaw ng Pangasinan Health Office dahil marami pa umanong maituturong dahilan kung bakit nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagtatae at pagsusuka ang mga pasyente.

Ganunpaman, aminado si PHO Officer Dr. Anna de Guzman na ang naranasang pagsusuka, at pananakit ng tiyan ay isa sa sintomas ng Food Poisoning ngunit maaari din umano itong sintomas ng Amoebiasis.

Sinabi pa ni De Guzman na pinag-aaral din nila ang kaso ng salmonella dahil ito ang kalimitang bacteria na nakukuha sa mga eggyolk na itinuturong kinain ng mga pasyente.

Speak Your Mind

*