Umento sa sahod ng mga guro, hindi umano madaling maipatupad

Hindi maaring magpatupad ng umento sa sahod ng mga guro ang Department of Education kung walang kaukulang batas para rito.

Ito ang nilinaw ni DepEd Assistant Secretary Jesus Lorenzo Mateo, sa DZAR sonshine radio.

Dagdag pa ni Mateo, kung may pagtataas man ng sweldo ay hindi maaaring sa iisang sektor lamang kundi sa lahat ng kawani ng pamahalaan.

Matatandaang nagsagawa ng kilos-protesta at nagbanta ng ‘Mass leave’ ang mga guro ng pampublikong paaralan para ipanawagang itaas ang kanilang sahod.

Speak Your Mind

*