Unang Zipline sa Hundred Islands, magbubukas na sa Sabado

Pormal ng magbubukas ang kauna-unahang Zipline sa Hundred Islands sa darating na Hunyo a-syete araw ng Sabado.

Inaasahang magdaragdag ito ng manibagong atraksyon sa mga kaakit akit na isla at magbibigay sigla sa mga dumarayong turista sa Hundred Islands.

Ayon kay Alaminos City Mayor Arthur Celeste, ang Zipline na patatakbuhin ng lokal na pamahalaan na may habang 180 meters na babagtas sa beachfront ng Quezon Island at Pavillon Island.

Samantala, sisimulan na rin ang ikalawang Zipline na kukunekta sa Virgin Island at Governor’s Island at tinatayang may habang 500 meters.

Inaasahang matatapos ang ikalawang zipline ng Hundred Islands sa buwan ng Agosto.

Speak Your Mind

*