UNCLOS, sulosyun para maresolba ang agawan ng teriyoryo sa West Phil. Sea

Ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang natatanging batas sa usapin sa pag-aagawan ng isla sa West Philippine Sea.

Ito ang iginiit ni Foreign Affairs Assistant Secretary for Legal Affairs Eduardo Jose de Vega sa pagpupulong ng 2nd Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Regional Forum Seminar on Unclos na ginanap sa bansa.

Iniharap ng DFA sa mga eksperto sa buong mundo mula sa 21 bansa at European Union ang detalye ng UNCLOS at ng probisyon nito.

Partikular na ang maritime boundary at posibilidad na kooperasyon sa pagitan ng mga bansang umaangkin sa West Philippine Sea.

Speak Your Mind

*