Updates ng mga serbisyo ng Government Hospitals sa Pangasinan, pinag-usapan

Muling nirebyu ni Gov. Amado T. Espino, Jr. kasama ang mga Chiefs of Hospitals para sa updates ng mga serbisyo ng Government Hospitals dito sa Pangasinan sa pitong taong panunungkulan ng gobernador.

Sa isinagawang pagpupulong sa Provincial Agricultural Office Field Station sa Brgy. Malabobo sa bayan ng Mangatarem, binigyang diin ng gobernador ang mga matagumpay na achievements ng labing apat na Government Hospitals ng probinsya.

Samantala, nakatulong umano ang ginawang reshuffling sa mga chiefs of hospital.

Ayon kay mangatarem District Hospital Chief Dr. Nicolas Miguel, isang advantage nito sa kanila ay dahil may mga natutunan sila sa mga ibang hospitals na pwede nilang idagdag sa kaalaman sa pagpapatakbo ng mga ospital na pinanggalingan nila upang mapaghusay pa ang kanilang serbisyo.

Speak Your Mind

*