US Warships, pumosisyon na sa Persian Gulf malapit sa Iraq

Isang barkong pandigma ang ipinadala ng Estados Unidos sa Persian Gulf malapit sa Iraq upang matiyak na mababantayan nito ang nangyayaring gulo sa nasabing bansa.

Ayon sa ulat, ito ay sa gitna ng pag-aaral ni US President Barack Obama ng mga opsyon na gagawin nito sa Iraq matapos kubkubin ng Al-Qaeda ang ilang mga lugar sa nasabing bansa at pinasok na rin ang kabisera nitong Baghdad.

Inatasan ni US Defense Sec. Chuck Hagel ang Aircraft Carrier na USS George H.W. Bush na mag-divert sa Persian Gulf mula sa North Arabian Sea.

Ayon kay Pentagon Press Sec. Rear Admiral John Kirby, ang naturang hakbang ay magbibigay kay Obama ng karagdagang ‘Flexibility’ sakaling magdesisyon ang Commander-in-Chief na magsagawa ng Military Action.

Speak Your Mind

*