Vice Mayor Martin Sison II, pormal ng naupo bilang bagong alkalde ng bayan ng Urbiztondo

Pormal na naupo bilang bagong Alkalde ng bayan ng Urbiztondo, Pangasinan si Vice Mayor Martin Sison II, matapos mapaslang si Mayor Ernesto Balolong, Jr kamakailan.

Una rito, hindi maiaalis na maiugnay ang pamilya Sison sa pagpatay kay Mayor Balolong isang araw bago sana ang kanyang 25th Silver Wedding Anniversary noong Sabado.

Iginiit ni Vice Mayor Sison na hindi dapat mabahiran ng pulitika ang kanyang pag-upo bilang bagong Alkalde, dahil sinusunod lamang nila ang nakasaad sa batas.

Hindi umano tama na mabakante ang pinakamataas ng posisyon sa isang lokal na pamahalaan dahil higit na maapektuhan nito ang mga serbisyong ibibigay sa publiko.

Speak Your Mind

*