Vice President Jejomar Binay, Pinagpapaliwanag sa pagdadawit ng kaniyang pamilya sa Pork Barrel Scam

Sa halip na itanggi lamang, dapat ay magpaliwanag si Vice-President Jejomar Binay sa pagdadawit sa kanyang pamilya sa Pork Barrel Fund Scam.

Ito ang iginiit ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na kaalyado ng Administrasyong Aquino.

Sinabi ni Erice  na dapat ipalabas ng kampo ni Binay ang listahan ng mga proyektong pinaggagamitan nila ng Pork Barrel Fund at hindi puro tanggi lamang.

Una nang napaulat na naglaan umano ng 12-milyong piso ng kaniyang Pork Barrel si Makati Rep. Abigail Binay mula 2008 at 2009 para sa Kasanib Foundation.

Miyembro umano ng Board of Directors ng kasanib ang noo’y Konsehal na si Junjun Binay at pinadaan daw muna sa opisina ng noon ay Makati Mayor Jejomar Binay.

Speak Your Mind

*