“VIP Treatment” sa mga high-profile inmate, Pinaiimbestigahan

Pinaiimbestigahan ni Senador Miriam Defensor-Santiago sa Senado ang napaulat na “V-I-P treatment” sa mga high-profile inmate.

Ito’y matapos mabatid ng Senadora na may mga bilanggo sa New Bilibid Prison na nakatira sa Air-conditioned Rooms, nagmamaneho ng Golf Carts, Electric Motorcycles at Tricycles.

Gayundin ang paggamit umano ng iligal na droga, pag-inom ng alak ng ilang preso at pagpapasok ng G-R-O sa piitan.

Ayon kay Santiago, malaking insulto sa sistema ng hustisya sa bansa ang tila pagiging pribadong resort ng mga piitan.

Mali aniya ang hindi patas na pagtrato sa pagitan ng mga mahihirap at mayayamang bilanggo.

Speak Your Mind

*