Zanjoe Marudo, wala pang balak mag-propose kay Bea Alonzo

Ano ba ito’t hindi pa raw feel ng kapamilya actor na si Zanjoe Marudo na mag-propose sa girlfriend niyang si Bea Alonzo!

Say ni Zanjoe, naiilang pa raw siyang pag-usapan ang bagay na ‘yun kasi as of now, aaminin niyang hindi pa talaga siya ready to pop the big question!

Say ni Zanjoe, before anything else, ang dapat daw niya talagang paghandaan ang magiging future ng bubuuin niyang family.

In-explain ng aktor na one-time lang naman ang pagpo-propose at ang pagkakaroon ng sariling family ay forever na!

Actually, hindi pa raw nila napag-uusapan ni Bea ang patungkol sa wedding kasi may ibang priorities pa naman daw sila besides that.

Pero as of now, focus daw muna sila sa work, sa kanilang careers though hindi naman daw nila pinababayaan ang isa’t isa.

Speak Your Mind

*