30 Percent ng mga palayan sa Balungao, nataniman na

Mahigit sa apat na libong ektarya o katumbas ng tatlumpong (30) porsyentong palayan sa bayan ng Balungao, Pangasinan ang natatamnan ng palay ngayon sa unang cropping.

Ito ayon kay Municipal Agriculturist Danilo Imus ng Balungao ay dahil unti-unti nang natatatamnan ang mahigit na dalawang libong ektarya na sahod ulan.

Dagdag pa ng Municipal Agriculturist na ngayong buwan ang peak season sa pagtatanim ng palay ay umaabot sa apat na metric tons ng palay ang ani kada ektarya, katumbas ngĀ  mahigit sa 72 sako.

Kasabay ng patatanim ng palay sa panahon ng taginit, ang mga sahod ulan na 500 hectares na palayan ay umaani ng 5.75 MT na maiz at ito ang isa sa pangunahing produkto ng Balungao.

Speak Your Mind

*