Agri-Pinoy Trading Center sa Urdaneta, pipigil sa pagtaas ng presyo ng mga agricultural product

Mapipigilan na ang pagtaas sa presyo ng mga agricultural product sa lalawigan ng Pangasinan sa pagbubukas ng Agri-Pinoy Trading Center sa lungsod ng Urdaneta.

Ayon kay Department of Agriculture Secretary Proceso Alcala, sa Agri-Pinoy Trading Center, aalisin na ang mga middleman sa pagitan ng mga magsasaka upang sa ganun ay magkaroon ng patas na bentahan at hindi na ang mga middleman ang nagbibigay ng presyo sa mga magsasaka.

Sa ganitong paraan sinabi pa ni Alcala na matututo ang mga magsasaka sa tamang presyuhan ng kanilang produkto at maiiwasan na angĀ  mga mapagsamantalang traders na nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga agricultural product.

Nabatid na P10 milyon ang inilaang pondo ng pamahalaang lokal ng Urdaneta sa proyekto habang P26 milyon naman ang ibinigay ng ahensya ng agrikultura sa agri-pinoy trading center.

Speak Your Mind

*