BJMP Dagupan, topnatcher sa Accreditation at Equivalency Test ng ALS

Nasungkit ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Dagupan ang may pinakamaraming nakapasa sa Accreditation at Equivalency test ng Alternative Learning System (ALS) ng Deped sa buong Region1.

Apatnaput walong inmates ng BJMP Dagupan ang sabay-sabay na nagmartsa sa kanilang pagtatapos sa elementraya at sekondarya sa ilalim ng ng Alternative Learning System (Als) ng Deped.

Ayon kay Jail Warden Atty. Kenneth Bid-Ing, lahat sa mga ito ay pumasa sa Accreditation at Equivalency test kaya may pagkakataon na silang makapag-aral sa kolehiyo oras na makalaya na sa piitan.

Pinaplano naman ng Deped na muling isailalim ang mga inmates sa mga livelihood program katuwang ang Technical Education Skills and Development Authority (TESDA), at Department of Trade and Industry (DTI) para matiyak ang kanilang trabaho sa paglabas nila ng kulungan.

Speak Your Mind

*