Dagdag-bawas sa presyo ng ilang produktong petrolyo, muling nakaumang sa Linggong ito

Matapos ang dalawang sunod na Linggong oil price hike ay nakaamba na naman ang dagdag-bawas sa presyo ng ilang produktong petrolyo sa mga susunod na araw.

Ayon sa ilang source mula sa Oil Industry, maglalaro sa 80 hanggang 90-sentimos kada litro ang mababawas sa presyo ng diesel.

Habang mula 90-sentimos hanggang 1.10-pesos kada litro ang ibababa sa presyo ng kerosene.

Gayunpaman, posible namang tumaas ng mula sampu hanggang 25-sentimos kada litro ang halaga ng gasolina.

Speak Your Mind

*