Dagdag bawas sa presyo ng produktong petrolyo, ipinatupad ngayong Martes

Muling nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga kompanya ng langis.

Umabot sa 35-sentimos kada litro ang ibinaba ng Petron Corporation at PTT sa presyo ng kanilang gasolina.

Habang 30-sentimos kada litro naman ang ini-rollback ng Shell, Chevron at Phoenix.

Gayunpaman, nagtaas naman ang mga kompaniya ng langis ng sampung sentimos kada litro sa kerosene, habang wala namang paggalaw sa presyo ng diesel.

Ayon kay Petron Strategic Communications Manager Raffy Ledesma, hindi sila magtataas ng presyo ng kerosene sa mga lugar na isinailalim sa State of Calamity.

Speak Your Mind

*