Dagupan PNP, aminadong hindi parin natutuldukan ang kaso ng iligal na droga sa syudad

Aminado ang Philippine National Police o PNP Dagupan na hindi pa tuluyang natutuldukan ang mga kaso ng iligal na droga sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Dagupan PNP Chief P/Supt. Christopher Abrajano na sa kabila ng kanilang mahigpit na kampanya laban sa iligal na droga ay marami paring nakakalusot na mga drug user at drug pusher.

Dagdag pa ni Abrajano na bagamat marami na silang nahuhuling mga personalidad na may kaugnayan sa droga, nakakalungkot dahil hindi parin sapat para tuluyang mabura ang emahe ng lungsod sa droga.

Ganunpaman, tiwala parin si Abrajano na hindi magtatagumpay ang mga taong nasa likod ng iligal na droga lalo’t patuloy nilang paiigtingin ang kampanya kontra droga katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Local Government ng Dagupan.

Speak Your Mind

*